Patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS ang Bulkang Taal at Kanlaon na patuloy ang aktibidad.
Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa phreatomagmatic eruption, ay nagkaroon rin ng apat na volcanic earthquakes ang Bulkang Taal kabilang ang tatlong volcanic tremors.
Nananatili rin ang malakas na pagsingaw sa Bulkan at pagbuga nito ng mataas na lebel ng sulfur dioxide.
Samantala, walang patid pa rin ang pagsingaw at panaka-nakang pag-abo sa Bulkang Kanlaon.
Batay sa 8am bulletin ng PHIVOLCS, nagkaroon ito ng limang insidente ng pagbuga ng abo sa nakalipas na 24-oras na tumagal ng siyam hanggang 38 minuto.
Nagtala rin ito ng siyam na volcanic earthquakes.
Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang Bulkang Taal habang Alert Level 2 naman ang Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa