Patuloy pa rin ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko partikular ang mga nakatira malapit sa Bulkang Taal sa Batangas na manatiling nakaalerto at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan.
Kasunod ito ng isa na namang phreatic o pagbuga ng usok o steam na naitala mula sa Main Crater ng Bulkang Taal kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagsabog kaninang 5:58 ng umaga at nagresulta sa isang plume na umabot sa 2,800 metro ang taas.
Sa 8am bulletin naman ng PHIVOLCS, nagkaroon din ang Bulkang Taal ng dalawang volcanic tremor sa nakalipas na 24-oras.
Umabot din sa 7,216 ang sulfur dioxide (SO2) emissions sa bulkan at nagkaroon din ng katamtamang pagsingaw na umabot sa 600 metro ang taas.
Sa kabila naman ng phreatic na pagputok ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, at patuloy ang babala ng ahensya sa mga posibleng panganib sa bulkan kabilang ang biglaang pagsabog. | ulat ni Merry Ann Bastasa