Pursigido ang DOST-PHIVOLCS na itaas ang kamalayan ng publiko matapos ang pagputok ng Bulkang Kanlaon, sa Negros Island.
Bahagi nito, namamahagi na ang PHIVOLCS ng printed copies ng volcano information materials at hazard maps sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng bulkan.
Ang digital copies ay nauna nang naipamahagi sa mga lokal na pamahalaan at downloadable ang mga ito sa Phivolcs website.
Makatutulong ang mga ito para sa paghahanda at tamang pagresponde laban sa panganib ng pagputok ng bulkan.
Bukod dito, namahagi rin ang PHIVOLCS ng listahan ng mga barangay na maaaring maapektuhan ng lahar at pyroclastic density current o PDC.
Muli pang nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng paglikha ng volcanic sediment flows o lahar sa mga river channel dahil sa Bagyong Querubin.
Dahil dito, hinihikayat ang komunidad sa paligid ng Bulkang Kanlaon at maging sa Mayon Volcano na maging handa at alerto sa lahat ng oras. | ulat ni Rey Ferrer