Pilipinas, dapat mag-lobby para sa mas mataas na pondo sa climate finance sa isinasagawang pulong ng Fund for Responding to Loss and Damage Board

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, na dapat i-lobby na ngayon ng Pilipinas ang mas mataas na pondo para sa climate finance sa isinasagawang pulong ngayon ng Fund for Responding to Loss and Damage (FRLD) Board.

Nasa Pilipinas ngayon ang mga board ng FRLD bilang ang bansa ang napiliing inaugural country-host ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Isang pagkakataon ayon sa mambabatas na isulong ng bansa ang oportunidad para sa mas malawak na international support ng climate mitigation and adaptation ng mga developing nation.

Una nang sinuportahan ni Villafuerte ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maaring gamitin ng bansa ang mga nagdaang bagyo bilang “test case” o “baseline” ng mga climate–vulnerable developing countries at ang capacity na maka-recover dahil sa access sa tamang resources.

Diin pa ng mambabatas na ang dapat trabahuin ang pamahalaan sa FRLD meeting ang pagkuha ng pondo mula sa iba’t ibang bansa para palakasin ang katatagan ng mga komunidad laban sa pinsala ng climate change.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us