Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang US$3.7 billion na surplus sa ikatlong quarter ng 2024.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, isa itong malaking pagbawi mula sa $524 million na deficit sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa inilabas na statement ng BSP, ang positibong BOP ay resulta ng malaking pagtaas ng net inflows sa financial account kahit pa nagkaroon ng mas malawak na deficit sa current account.
Mula Enero hanggang Setyembre, umabot na rin ang BOP surplus sa $5.1 bilyon, mas mataas kumpara sa $1.7 bilyon surplus sa parehas na panahon noong 2023.
Sa ikatlong quarter ng 2023, umabot sa $5.7 bilyon ang current account deficit katumbas ng 5.2 percent ng gross domestic product (GDP), ito ay mas mataas kumpara sa $2.2 billion na deficit noong 2023.
Paliwang ng Sentral Bank, ang mas mataas na deficit ay dulot ng mas malawak na agwat sa trade goods at mas mababang net income mula sa trade in service at primary income accounts.
Sinabi ng BSP, na bahagyang napigilan ang pagtaas ng deficit dahil sa pagliit ng goods trade deficit at mas mataas na kita mula sa primary at secondary income accounts.
Inaasahan ng BSP, na magpapatuloy ang pagbawi ng ekonomiya ng Pilipinas sa kanila ng pandaigdigang hamon sa merkado. | ulat ni Melany Valdoz Reyes