Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga law enforcement at anti-corruption entities na magpatupad ng mas maliliit ngunit mas maraming operasyon laban sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na nagpapatuloy pa rin ang aktibidad sa Pilipinas.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ginawa ng Pangulo ang direktiba sa ikalawang Joint National Peace and Order Council (NPOC)-Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting 2024, sa Kampo Crame.
Ayon sa PCO, nais ng Pangulo na ang Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP), at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa POGO, sa kabila ng pag-ban ng administrasyon sa operasyon nito.
Inatasan rin ng Pangulo ang local chief executives, na makipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa paghabol sa POGOs sa kanilang nasasakupan, lalo’t ang LGUs ang mayroong kapabilidad na tukuyin ang mga kahina-hinala o iligal na aktibidad sa kanilang komunidad.
As of November 29, nasa 53,700 na offshore gaming employment licenses ang nakansela ng gobyerno. Nasa 18 IGLs ang boluntaryong nagpakansela ng kanilang lisensya, habang nasa 27 IGLs naman ang nasa proseso na ng pagpapahinto ng kanilang operasyon.
“Suspicious illegal activities, especially those concerning POGOs, should be monitored by the LGUs, the President said. The DILG should step up gathering substantial intelligence from local communities.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan