Nakatanggap ng maagang pamasko ang pitong surenderees sa Sorsogon noong December 20, 2024, matapos silang makatanggap ng tig-₱100,000 bilang bahagi ng suporta sa kanilang pagbabagong-buhay.
Kasama ng Provincial Government of Sorsogon sa turnover ceremony ang Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) at 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army.
Ayon sa Facebook post ng Sorsogon Provincial Information Office, ang seremonyang ito ay hindi lamang pinansyal na tulong sa mga dating rebelde, kundi isa ring oportunidad upang sila’y muling makapagsimula sa kanilang pamumuhay.
Aniya, nagsisilbi rin itong simbolo ng katrangkiluhan o kapayapaan at kaunlaran sa buong probinsya ng Sorsogon. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay