Patuloy na binabantayan ng mga kapulisan ang maayos na daloy ng trapiko sa Rolando Andaya National Highway, Brgy. Binahan Upper, Ragay, Camarines Sur. Kaninang alas-7:40 ng umaga, isinagawa ng naturang ahensya at mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ang traffic management at seguridad upang tugunan ang epekto ng isinasagawang road reblocking sa lugar.
Sa kabila ng bahagyang mabagal hanggang katamtamang daloy ng trapiko, nananatiling maayos ang sitwasyon, at walang naitalang mga stranded na sasakyan ayon sa PNP Bicol.
Patuloy ang pagbabantay ng mga pulis upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at matiyak na tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko sa kabila ng pagsasaayos ng kalsada.
Pinapaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa biyahe at maglaan ng dagdag na oras habang patuloy ang road reblocking sa lugar. Ang suporta at koordinasyon mula sa publiko ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay