Pondo para sa sektor ng edukasyon sa 2025, nananatiling mataas kumpara sa DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Assistant Majority Leader Jay Khonghun na nananatili pa ring mas mataas ang alokasyon ng pondo para sa edukasyon sa taong 2025.

Taliwas ito sa pinapakalat ng ilan na mas malaki ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) lalo na at binawasan ng ₱10-billion ang digitalization program ng Department of Education (DepEd).

Katunayan kung titignan aniya ang datos ay mas mataas ng ₱22-billion ang kabuuang pondo para sa edukasyon kaysa sa DPWH.

“Base sa ating datos at figures sa 2025 national budget, malinaw na ang edukasyon pa rin ang may pinakamataas na pondo kumpara sa DPWH. Hindi totoo ang sinasabing mas malaki ang budget ng DPWH kaysa sa edukasyon,” saad niya.

Sakop aniya ng ₱1.055-trillion na pondo ng sektor ng edukasyon ang:

  • Department of Education (DepEd): ₱782.17-billion
  • Commission on Higher Education (CHED): ₱34.88-billion
  • State Universities and Colleges (SUCs): ₱127.23-billion
  • Technical Education and Skills Development Authority (TESDA): ₱20.97-billion
  • Local Government Academy (LGA): ₱529.24-million
  • Philippine National Police Academy (PNPA): ₱1.37-billion
  • Philippine Public Safety College (PPSC): ₱994.3-million
  • National Defense College of the Philippines (NDCP) ₱334.64-million
  • Philippine Military Academy (PMA): ₱1.76-billion
  • Philippine Science High School (PSHS) System: ₱2.80-billion
  • Science Education Institute (SEI): ₱7.49-billion.

Mayroon ding ₱14.76-billion para sa education infrastructure at salary differential salig sa Executive Order No. 64 na may kabuuang pondo na ₱60.59-billion.

Habang ang DPWH budget naman ay nasa ₱1.033 trillion,

Malinaw aniya na hindi pinapabayaan ng administrasyon ang edukasyon.

Pinakamalaki pa rin ang alokasyon para sa edukasyon dahil ito aniya ang pundasyon ng ating kinabukasan at siyang tutugon sa mga pangangailangan ng ating mga estudyante, guro, at imprastruktura para sa kalidad na edukasyon,.

“Fake news po ang kumakalat na paninira sa Kongreso. Hindi totoo na mas malaki ang budget ng DPWH kaysa sa edukasyon sa ating national budget,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us