Pres. Marcos Jr., naging mabusisi sa ginawang pagsusuri sa pambansang budget bago ito nalagdaan — Executive Sec. Bersamin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagpatunay kung paano tinutukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pambansang budget para sa 2025.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Bersamin na  sadyang mabusisi ang Presidente mula pa sa una hinggil sa usapin ng budget.

Labis aniyang pokus at maingat ang Pangulo kung pondo ang pag- uusapan na kung saan ay bahagi ng pagiging mabusisi nito ay ang pagsilip sa kung ano ang mga kailangan at hindi kailangang proyektong dapat pondohan.

Binigyang diin ni Bersamin, na may pamamaraaan ang Punong Ehekutibo para madetermina kung ano ang kailangan kung ano ang labis at hindi kailangan.

Dagdag ng Executive Secretary, na nagtulong-tulong ang Pangulo at mga miyembro ng gabinete kabilang ang economic team upang maihanda ang budget sa susunod na taon na sadyang tinutukan ng Presidente. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us