Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating US President Jimmy Carter, na sumakabilang buhay sa edad na 100.
Sa mensaheng ipinaabot ng Pangulo, sinabi nito na ang istilo ng pamumuno ni Carter ay naka-angkla sa paniniwala, pagiging makatao, at pagsusulong ng interes ng mga mas nangangailangan.
“Jimmy Carter, former president of the United States was a humanitarian who practiced what he preached : Houses for the homeless and human rights for the oppressed.” —Pangulong Marcos Jr.
Isa aniyang tagapag-lingkod si Carter, na isinulong ang kapayapaan sa mga lugar na nangangailangan nito.
Isinulong rin nito ang kaunlaran sa mga lugar na sinira ng paghahangad.
“Guided by his faith, he was a servant leader who pursued peace in places torn by war and prosperity in societies broken by want.” —Pangulong Marcos
Ayon kay Pangulong Marcos, si Carter ay nagsisilbing modelo para sa paggawa ng mabuti na pinatatakbo hindi ng politika o personal na interes, bagkus ay ng pagmamahal sa kapwa nito mamamayan.
“These are universal values he fought for which are embraced by people everywhere, including Filipinos, as the cornerstone of a better, kinder society they deserve to live in. He was a model of the power to do good, with the benefit of public office or bereft of it, driven, not by politics nor personal gain, but by pure love to one’s fellowmen.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan