Patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa bansa base sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Para sa unang bahagi ng Disyembre, umabot sa P54.66 ang average retail price sa kada kilo ng well milled rice na mas mababa na ng piso noong Oktubre.
Bukod sa bigas, bumaba rin ang average retail price ng luya na ngayon ay nasa P178.71 per kilogram mula sa P185.24 noong nakaraang buwan.
Sa kabila nito, nagkaroon naman ng taas presyo sa manok, tilapia, baguio beans at mantika.
Nitong unang bahagi ng disyembre, tumaas sa dalawang piso ang kada kilo ng dressed chicken na nasa P204.69 per kilogram mula sa P202.71 noong Nobyembre.
Malaki naman ang itinaas na sa baguio beans na mula sa P151.93 kada kilo noong Nobyembre ay tumaas na sa P169.51 kada kilo ngayon Disyembre.
Habang may pisong pagtaas rin sa average retail prices ng tilapia.
Una nang sinabi ng DA na nagkakaroon na ng taas presyo sa ilang agri commodities dahil sa tumataas na demand habang papalapit ang pasko. | ulat ni Merry Ann Bastasa