Patuloy sa pagtaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina Public Market, dalawang araw bago ang Pasko.
Sa pagbabantay ng Radyo Pilipinas, sumipa na sa ₱190 ang kada kilo ng kamatis o halos ₱200 na.
Pumangalawa ito sa luya na nasa ₱200 ang kada kilo, gayundin ng bawang na nasa ₱160 ang kada kilo habang ang sibuyas ay nasa ₱120 ang kada kilo.
Ang carrots naman ay nasa ₱120 ang kada kilo, patatas ay nasa ₱110 ang kada kilo, talong ay nasa ₱100 ang kada kilo, repolyo ay nasa ₱95 ang kada kilo, at pechay Baguio ay nasa ₱80 ang kada kilo.
Pinakamurang gulay na mabibili rito ay ang sayote na nasa ₱60 ang kada kilo.
Samantala, sa presyo naman ng karne, ang manok ay nasa ₱210 ang kada kilo ng whole dressed habang ang choice cuts naman ay nasa ₱220 ang kada kilo.
Sa presyo naman ng baboy, ang kasim ay nasa ₱320 ang kada kilo habang ang liempo ay nasa ₱370 ang kada kilo.
Nananatili namang mahal ang presyo ng baboy na nasa ₱290 ang kada kilo, bangus ay nasa ₱220 ang kada kilo, habang ang tilapia ay nagmahal din sa ₱130 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala