Mas palalawakin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programang LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) upang mas marami pang komunidad ang makinabang sa proyekto.
Mula sa kasalukuyang bilang na 310 lungsod at munisipalidad sa 61 lalawigan, inaasahang madadagdagan sa susunod na taon ang nasabing proyekto.
Ayon kay Special Assistant to the Secretary for Special Projects Maria Isabel Lanada, ang pagpapalawak ay naaayon sa climate outlook ng DOST -PAGASA kung saan iniulat na tumaas ang bilang ng mga lalawigan na maaaring tamaan ng El Niño at La Niña.
Sa kabila na may pondo lamang na P1.4 billion para sa 2025, umaasa ito na maisasakatuparan pa rin ang mga plano ng ahensya para sa proyekto.
Paliwanag pa ng opisyal ang kahalagahan ng pagpapalawak ng LAWA at BINHI dahil sa lumalalang epekto ng climate change.
Patunay aniya at senyales ng paglala ng climate change ay ang madalas na pagdating ng mga malalakas na bagyo.| ulat ni Rey Ferrer