Pumalo na sa mahigit 91 million Pinoy ang nairehistro ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa National ID System.
Halos palapit na sa 92 million na target registration sa pagtatapos ng taong 2024.
Hanggang Nobyembre 22, kabuuang 91,130,320 Pinoy ang nakarehistro na o 98.9 % ng target registration.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, puspusan pa ang isinasagawang registration sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ilan lang dito ang house to house registration sa Agusan del Sur, Puerto Princesa sa Palawan, Catanduanes, Abra, Davao del Sur at National Capital Region (NCR).
Kasama din sa nagparehistro ang nga kabataan may edad 1 hanggang 4 na taong gulang sa ilalim ng Rehistro Bulilit Campaign.| ulat ni Rey Ferrer