Natanggap na ng House Blue Ribbon Committee ang sertipikasyon mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na walang indibidwal na nagngangalang Mary Grace Piattos.
Ayon kay Blue Ribbon Committee Chair Joel Chua, nakasaad sa dokumento na walang record ng kapanganakan, kasal, o kamatayan sa PSA database ang pangalang Mary Grace Piattos.
Ngunit kung magkaroon iba pang impormasyon tulad ng pangalan ng mga magulang ni Mary Grace Piattos ay maaaring masuri ng PSA ang kanilang civil registry document database.
Matatandaan na pinakumpirma ng komite sa PSA kung totoo bang may Mary Grace Piattos matapos lumabas ang pangalan nito sa isa sa mga acknowledgment receipts na pinaggamitan ng Confidential Funds ng Office of the Vice President.
Sinabi naman ni Chua na ang sertipikasyon na ito ng PSA ay kanilang ilakip sa kanilang Committee Report. | ulat ni Kathleen Jean Forbes