Publiko, hinikayat ng DOTr sa pinalawig na operasyon ng LRT at MRT simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na samantalahin ang pinalawig na operasyon ng mga pangunahing mass transit sa Metro Manila partikular na ng LRT at MRT.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, layon nito na ma-accomodate ang dagsa ng mga pasahero bilang paghahanda sa Pasko at Bagong Taon.

Simula ngayong araw, December 16 hanggang 24, magsisimula ang unang biyahe ng MRT mula North Avenue Station ay alas-4:30 ng umaga habang 5:05am ang unang biyahe mula Taft Avenue.

Ang last trip mula North Avenue ay 10:34 ng gabi mula December 16 hanggang 23 habang ang last trip mula Taft Avenue ay 11:08 ng gabi.

Pero sa December 24 at 31, ang last trip mula North Avenue station ay sa ganap na alas-7:45 ng gabi habang 8:23pm naman ang last trip mula Taft Avenue Station.

Alas-5 naman ng umaga magsisimula ang biyahe ng LRT Line 2 mula Antipolo patungong Recto stations mula December 17 hanggang 23, 24, at 31 at babalik naman sa regular operating hours mula December 25, Pasko, hanggang 30 at January 1.

Alas-4:30 naman ng umaga ang unang biyahe ng LRT-1 mula Dr. Santos Station patungong FPJ Station at pabalik epektibo December 20 hanggang 23 at December 26 hanggang 27.

Habang ang huling biyahe naman ay sa ganap na alas-10:30 ng gabi mula Dr. Santos at 10:45 ng gabi mula FPJ station epektibo December 20 hanggang 23.

Payo ng DOTr sa publiko, planuhing maigi ang kanilang biyahe ngayong panahon ng Kapaskuhan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us