Pinayuhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko na maging maingat sa pagbili ng meat products ngayong holiday season.
Ayon sa NMIS, dapat isaalang alang ang mataas na pamantayan ng kaligtasan at kalidad sa pagbili ng karne.
Kailangang pumasa sa inspeksyon ang karne upang matiyak na ligtas sa human consumption.
Dapat ding malaman ng mamimili kung nagmula ito sa isang accredited meat stablishment ng NMIS.
Mahalaga umano ang wastong hygienic handling upang maiwasan ang kontaminasyon.
Halimbawa nito ang pagsasakay sa mga accredited vehicle upang mapanatili ang tamang temperatura at kaligtasan.
Payo pa ng NMIS na tiyaking ligtas, sariwa, at walang mga nakakapinsalang pathogen ang karne na ihahain ngayong kapaskuhan.| ulat ni Rey Ferrer