Nahaharap sa reklamong murder ang pulis na pumatay sa kapwa niya pulis sa Taguig City, kung saan dawit din ang kanyang asawang pulis sa insidente.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, isinampa ang reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office nitong nakaraang weekend.
Nauna nang sumuko ang suspek, isang Lieutenant Colonel mula sa Taguig City Police, matapos maibalita ang pagkawala ng biktima, isang Executive Master Sergeant na nakatalaga sa Palawan.
Natagpuan sa Baguio City ang chop-chop na bahagi ng katawan ng biktima.
Ayon sa PNP, maituturing na crime of passion ang insidente. Sinabi rin ni Fajardo na dawit ang babaeng pulis sa kaso dahil naroon umano siya nang mangyari ang krimen at sinasabing may relasyon sa biktima.| ulat ni Diane Lear