QC LGU, may higit ₱2-B surplus mula sa koleksyon ng buwis ngayong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalagpasan na ng Quezon City Local Government ang target na koleksyon nito sa buwis para sa taong 2024.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Karlo Calingasan, Legal Officer V ng QC Treasurer’s Office matapos sumampa sa ₱41.5-billion ang tax collection ng pamahalaanga lungsod as of December 5.

Higit sa ₱2-billion na ito mula sa target na ₱39-billion koleksyon para sa buwis sa negosyo at ari-arian ngayong tao.

Inaasahan pa ni Calingasan na sasampa sa ₱3-billion ang surplus ng LGU sa pagtatapos ng 2024.

Ayon sa QC LGU, malaking bagay ang mataas na revenue sa LGU dahil nailalaan ito sa iba’t ibang proyekto ni Mayor Joy Belmonte lalo na sa social services.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Atty. Calingasan sa mga may-ari ng real property na maagang magbayad ng amilyar para makakuha ng 20% diskwento.

Mananatili ang 20% discount kung ang 2025 RPT ay mababayaran nang buo hanggang December 31, 2024.

Bukod sa pagbabayad ng amilyar sa City Hall, o sa mga City Treasurer’s Office (CTO) branches at satellite offices, may opsyon ding magbayad ng kanilang buwis online sa pamamagitan ng QCe-services. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us