Apat na indibidwal na ang naitala ng QC Government na naging biktima ng paputok sa lungsod mula December 22 hanggang 24, 2024.
Batay sa tala ng QC Epidemiology and Surveillance Division mula sa ulat ng mga ospital sa lungsod, may isang batang babae ang nadagdag sa mga nabiktima ng paputok.
Samantala, dalawang babae naman ang tinamaan ng ligaw na bala (stray bullet) at kasalukuyang nagpapagaling sa kani-kanilang mga tahanan matapos masuri sa ospital.
Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na huwag gumamit ng anumang uri ng paputok. Sa halip, gamitin ang mga alternatibong pampaingay tulad ng torotot, tambol, at musika, o kaya ay manuod na lamang sa mga awtorisadong community fireworks. | ulat ni Marry Ann Bastasa