Muling nagpaalala ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division sa publiko lalo sa mha magulang na bantayang maigi ang mga anak at ilayo sila sa panganib na dulot ng paputok.
Kasunod ito ng tumataas na kaso ng mga biktima ng paputok na karamihan ay mga bata.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, 81% ng kabuuang kaso ng naputukan simula December 21 hanggang December 27, 2024 ay mga bata edad 19 na taong gulang pababa.
Habang sa Quezon City, 82% din ng kabuuang kaso ay mga kabataan 17 taong gulang pababa noong December 21, 2024 hanggang December 27, 2024
Muling hinikayat ng Quezon City Government ang mga residente na piliin ang ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon sa pamamagitan ng paggamit ng alternatibong pampaingay katulad ng torotot, tambol, at musika.
Agad namang magtungo sa pinakamalapit na ospital kung sakaling naputukan para sa agarang lunas. | ulat ni Merry Ann Bastasa