Hiniling ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko ang kooperasyon sa panahon ng holiday season.
Pakiusap ni QCPD Acting Director P/Col Melecio Buslig Jr., na maging alerto ang komunidad at agad i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang nalalaman.
Sa pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi sa Disyembre 16, may mga paghahanda na ang QCPD para sa seguridad.
Inaasahan na nito ang dagsa ng tao sa mga simbahang katoliko sa panahon ng kapaskuhan.
Sabi pa ni Col. Buslig, may pakikipagtulungan na rin ang QCPD sa Quezon City Local Government, Metro Manila Development Authority para sa deployment ng mga pulis at force multipliers sa mga worship area.| ulat ni Rey Ferrer