Humihingi si Quad Comm co-chair Benny Abante ng paliwanag mula Bureau of Immigration kung paano nakalabas ng bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ito’y matapos mismong si Roque ang nagkumpirma na wala na siya dito sa Pilipinas.
Sa isinumite niya kasing counter affidavit para sa kasong qualified human trafficking, ay nakasaad sa naturang dokumento na kaniya itong pinanumpaan sa Abu Dhabi.
Ayon kay Abante, sabi ng BI ay hindi dumaan sa immigration si Roque.
Ngunit para makapasok aniya sa naturang bansa, kailangan pa rin dumaan sa official channel.
Kaya gusto niya malaman paano nakapunta si Roque sa Abu Dhabi.
Bukod sa kinakaharap na criminal case at may contempt order din si Roque mula sa Quad Comm.
“’Yun ang isang bagay na gusto kong malaman. Sabi ng BI, he got out of the country, hindi dumahan sa immigration. Pero ang question ko dyan, hindi pa ka pwedeng tanggapin sa UAE nang hindi dumadaan sa official channel. So, I like to find out kung paano siya nakapunta ng Abu Dhabi. At kung saan siya nakatira dun. Baka mamaya dun siya tumira sa bahay na Michael Yang.” sabi ni Abante. | ulat ni Kathleen Forbes