Pinakamahalagang resulta ng serye ng imbestigasyon ng Quad Committee ay ang mga naihaing panukalang batas.
Ito ang binigyang diin ni Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers.
Giit niya nilalayon ng mga ito na maghigpit sa polisiya at tugunan ang mga butas sa batas na sinamantala ng mga POGO, iligal na pagbili ng mga dayuhan ng mga ari-arian, at pamemeke ng mga dokumento para maging Pilipino.
Kabilang dito ang: “Classifying EJK as Heinous Crime”; “Anti-Offshore Gaming Operations Act”; “Espionage Law of 2024”; “Civil Forfeiture Act”; at “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law.”
“Out of the series of hearings conducted by Quadcom, lawmakers and the public were informed and enlightened on how criminals and unscrupulous individuals or groups managed to use the flaws, loopholes and weaknesses on some of our existing laws, in the furtherance of their criminal activities. The Quadcom is out to review, scrutinize and come up with new bills or amendments to correct those flaws and gaps in our laws,” ani Barbers.
Bukod sa limang ito ay may nasa 30 pang panukala para sa pag amyenda ng mga umiiral na batas ang inirekomenda ng Quad Comm sa kanilang progress report.
Sabi pa ni Barbers na napakadali lang para sa mga kritiko, lalo na iyong mga bayaran, na sirain o gibain ang ngalan at nagawa ng Quadcomm, ng co-chairs at members nito.
Ngunit hindi aniya sila papatinag. | ulat ni Kathleen Forbes