Hinihikayat ngayon ni Quezon Representative Reynante Arrogancia ang Department of Transportation (DOTr) na i-require sa mga bus at shipping companies na magkaroon ng online booking service.
Giit ni Arrogancia, kung mas maagang makakabili ang mga pasahero ng kanilang ticket ay makakabawas ito sa congestion sa mga terminal ng bus at pantalan tuwing panahon ng bakasyon o holiday.
Punto pa niya, mas mura ang presyo ng ticket sa mga barko kung mas maaga makakabili.
Tinukoy din ng mambabatas, na karamihan sa bus companies ay over-the-counter pa rin ang bilihan ng ticket, dahilan kung bakit humahaba ang pila sa mga counter lalo na tuwing may seasonal vacation gaya na lang ngayong kapaskuhan.
“The lack of online booking options in some bus companies can inconvenience travelers, especially during peak seasons when queues at ticket counters become excessively long. Because of this, there is a need to require all bus operators to implement online ticketing systems as an option for passengers to improve services and ease congestion at terminals,” punto ng kinatawan.
Magbibigay din aniya ito ng kapanatagan para sa mga pasahero dahil mayroon na silang garantisadong ticket at mauupuan.
“Advance online booking benefits passengers by giving them peace of mind, knowing they already have a ticket and a guaranteed seat on the bus. It also works to the advantage of bus companies, enabling them to better predict passenger volumes and allocate the necessary buses and drivers for operations. Ultimately, this leads to smoother and hassle-free terminal operations,” saad pa niya.
Isa pa sa mungkahi ng kinatawan na maisama na sa online payment gamit ang e-wallets, ang pagbabayad ng terminal fee para iwas pila na rin sa mga biyahero. | ulat ni Kathleen Forbes