Regular na konsultasyon sa mga isyu ng riders, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pursigido ang Angkas, na pinakamalaking motorcycle taxi group sa bansa at AngKasangga Party-list na maisulong ang regular na pagsasagawa ng mga konsultasyon, para sa mga isyung may kinalaman sa rider at operasyon ng moto taxi.

Kasama ito sa tinalakay sa isang consultative meeting na nilahukan ng grupo kasama ang daan-daang riders, riders’ groups, at mga operator ng moto taxi mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, katuwang ang Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr), sa Quezon City.

Ayon kay George Royeca, CEO ng Angkas at nominee ng AngKasangga Party-list, handa silang makipagtulungan sa pamahalaan para makabuo ng makabuluhang solusyon para sa kapakanan ng motorcycle riders at gayundin ng mga commuter.

Bukod sa mga rider sa Metro Manila, isinasaalang alang din ng AngKasangga ang kapakanan ng riders sa mga probinsya kaya target nitong palawakin pa ang mga regular na consultation meetings sa iba pang lalawigan.

“We will bring government services down to the people in the provinces to discuss burning issues affecting all concerned sectors, especially the riders,” ani Royeca.

Dagdag pa niya, isusulong din ng AngKasangga na mabigyan ng benepisyo mula sa gobyerno ang mga rider.

“We would work that all of them must become legit employees with regular government benefits, no more informal workers,” diin ni Royeca.

Kasama rin hangad ng AngKasangga na mabigyan ng mandatory insurance ang mga pasahero. | ulat Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us