Sama-samang nagdiwang ng Pasko ang mga residente at staff ng Regional Haven for Women sa Rosario, Batangas, at Bahay Tuluyan ng mga Bata – Home for Girls sa Dasmariñas City, Cavite kahapon.
Ayon sa pabatid ng DSWD IV-A, nagtipon ang mga kababaihan at kanilang mga anak sa Regional Haven for Women upang ipagdiwang ang okasyon sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.
Sa pamamagitan ng pagsasalo-salo, mga palaro, at presentasyon, ipinaabot ng DSWD ang layunin nitong iparamdam ang diwa ng Pasko kahit na ang mga residente ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Ahensya.
Samantala, 28 na batang residente ng Bahay Tuluyan ang nagdiwang ng Pasko sa pamamagitan ng iba’t ibang palaro at aktibidad.
Ang Regional Haven for Women ay isang pasilidad ng DSWD na kumakalinga sa mga kababaihan at kanilang mga anak na naging biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso.
Ang Bahay Tuluyan ng mga Bata naman ay nagbibigay proteksyon at pagkalinga sa mga batang babae na victim-survivor ng pang-aabuso. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena