Resolusyon para hilingin na gawaran ng clemency si Mary Jane Veloso, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng resolusyon ang Makabayan Bloc sa Kamara sa pangunguna ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas.

Laman ng resolusyon ang panawagan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawaran ng ‘clemency’ si Mary Jane Veloso.

Kasama ng mga mambabatas sa paghahain ang pamilya ni Veloso.

Giit nila, hindi drug mule si Mary Jane bagkus ay biktima ng human trafficking.

“So ngayong umaga po na rito ang pamilya [Veloso] at ito po ang kahilinga nila dito sa House of Representatives. Sila po ay nandito para ipakita na kailangan nila ng tulong ng lahat ng mambabatas, kasama po ang Speaker para po sana, suportahan ng House of Representatives, urging the Philippine Government through the President of the Republic of the Philippines to grant Mary Jane Veloso clemency dahil po doon sa mga cases niya at conviction sa Indonesia.” ani Brosas

Inaasahan na ngayong buwan ay makakabalik na ng Pilipinas si Veloso matapos ang 14 na taong pagkakakulong sa Indonesia. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us