Itinakda na ngayong araw ng Korte Suprema ang paglalabas ng resulta ng Bar Examination para sa taong ito.
Alas-12 ng tanghali ang inaasahang paglalabas ng resulta kung saan gagawin ito sa compound ng Kataas-taasang Hukuman.
Maglalagay ng malaking screen ang SC upang payagan na makapasok sa loob ng compound ang mga nais malaman ang resulta ng pagsusulit.
Samantala, ilalabas pa rin daw ng SC sa led screen ang score na nakuha ng mga examinee dahil ang ibabawal lamang ay ang pagbibigay sa mga paaralan.
Ngayong taon, nasa 10,483 ang kabuuang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit. | ulat ni Michael Rogas