Rightsizing Bill, hindi layong paliitin ang pamahalaan ayon kay Senate President Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na hindi layon ng Rightsizing Bill na bawasan ang mga empleyado ng gobyerno at paliitin ang pamahalaan.

Sa kanyang naging sponsorship speech para sa Senate Bill 890, binigyang diin ni Escudero na layon ng panukala na itaas ang kalidad ng serbisyo ng gobyerno at makalikha ng mga pwesto na angkop at tunay na kailangan ng taumbayan.

Ayon sa Senate President, sa pamamagitan ng pag-aalis ng redundancies, pagpapasimple ng mga proseso at pagtutok sa mga prayoridad sa gobyerno ay makakatipid ang pamahalaan, at mailalaan ang resources para sa serbisyo, at programang tunay na kailangan ng mga Pilipino.

Nilinaw rin ng senador na hindi saklaw ng Rightsizing Bill ang sandatahang lakas, at ang military and uniformed personnels, gayundin ang education sector, kongreso, korte suprema, constitutional commission, at mga lokal na pamahalaan.

Dito ay itinatalaga ang pangulo ng bansa bilang Chief Rightsizing Officer ng executive branch.

Tutulungan naman siya ng isang Rightsizing Committee na pangungunahan ng Executive Secretary, Budget and Management Secretary, kasama ang Civil Service Chair, at Director-General ng Anti-Red Tape Authority (ARTA). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us