Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kaligtasan ng mga Pilipino ang top priority ng pamahalaan.
“It’s a time to reflect and to express our gratitude, and renewed commitment to a Bagong Pilipinas where safety and peace are not exceptions but are expectations.”—Pangulong Marcos.
Sa ika-33 Anti-Terrorism Council (ATC) meeting, sinabi ng Pangulo na ngayong taon ang ATC, naaabot ang ilang mahahalagang milestone sa pagtugon sa mga banta, at pagtitiyak ng seguridad ng bansa.
“This year, the Anti-Terrorism Council has achieved significant milestones in dismantling threats and fortifying our nation’s security.”— Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng pagtuldok sa terrorist organization at pag-limita sa resources ng mga ito, naisusulong ang seguridad ng mga Pilipino.
“By disrupting terrorist organizations and limiting their resources, we have sent an unequivocal message: The safety of our people is our topmost priority.”— Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, pinapurihan ni Pangulong Marcos ang ATC sa mga ginagawa nito, kasabay ng panghihikayat sa mga ito na ipagpatuloy ang kanilang misyon para sa publiko.
“Today, we pause to celebrate the achievements and honor the dedication, the resilience, and teamwork of the Anti-Terrorism Council.”— Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan