San Antonio Irrigation Project sa Camarines Norte, malaking tulong sa mga magsasaka

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa Capalonga, Camarines Norte, ang San Antonio Communal Irrigation Project ay nagsisilbi sa may 18 ektaryang sakahan nang walang diversion dam, na tumatawid sa ilog—kakaiba sa karamihan ng pasilidad ng National Irrigation Administration (NIA).

Sa halip, nakadepende ito sa estratehikong taas ng intake structure upang epektibong maipadaloy ang tubig mula sa San Antonio River papunta sa irrigation facility at mga sakahan.

Bagamat maliit lamang ang San Antonio Intake Structure, malaki ang naitutulong nito sa 34 na magsasakang nakikinabang sa patubig.

Ang proyekto ay patunay ng kahalagahan ng inobasyon sa irigasyon, na hindi lamang nakakatipid sa mga gastusin sa konstruksyon kung hindi ay nagbibigay din ng sustainable na solusyon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka sa rehiyon. | ulat ni Emmanuel Bongcodin, Radyo Pilipinas Albay

Photo: NIA Region V

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us