Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang pagdeklara ng state of calamity sa buong Negros Occidental dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa isinagawang special session ng SP, unanimously approved ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na isailalim sa state of calamity ang probinsya.
Sa pagdeklara ng state of calamity, sinang-ayunan rin ng SP ang rekomendasyon ng PDRRMC na pagrelease ng calamity fund, pagpapatupad ng price price freeze sa basic necessities at prime commodities at pagamit ng Quick Response Fund.
Sa pagdeklara ng State of Calamity, malaking tulong ito sa disaster response operations ayon kay Office of Civil Defense Western Visayas Director Raul Fernandez.
Ayon kay Fernandez, magagamit na ng mga lokal na pangulohan ang kanilang mga QRF para sa tuloy-tuloy na pagtulong sa mga apektadong residente.
Sa monitoring ng OCD-Region 6, nasa mahigit 12 libong indibidwal sa probinsya ng Negros Occidental ang nasa mga evacuation centers. | ulat Paul Tarrosa | RP1 Iloilo