Nangako ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na patuloy silang makikipagtulungan sa Bureau of Immigration (BI) upang i-account ang lahat ng undocumented na Chinese nationals na nagtatrabaho sa kanilang accredited back office sulotions.
Ginawa ni SBMA Deputy Administration for Legal Affair at Labor Department Manager Melvin Varias kasunod ng pagkakaaresto ng anim na undocumented na Chinese sa Subic Freeport.
Ang pag-aresto ay isinagawa matapos ipatupad ng BI at SBMA operatives ang mission orders sa Kim’s apartment, isang inuupahang tirahan sa loob ng Tillo Bay Villas.
Ang anim na naaresto ay kinilalang sina Yongfeng Huang, Guo Jun, Hong Xiagjun, Bai Shiping, Guo Shiquan at Gan Ning ay nahaharap sa kasong paglabag sa Rule 9, Section 1 ng SBM 2015-010 dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.
Ang mga nahuli ay kabilang sa 57 Chinese na dating empleyado ng TeleEmpire Inc. isang accredited back office solutions provider ng Freeport ang 51 dito ay naaresto naman sa isang raid sa isang bahay na ginagamit nilang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Facility.| ulat ni Melany V. Reyes