Pinuri ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang desisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na ibasura ang holiday truce o ceasefire sa mga komunistang grupo ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Dela Rosa, suportado niya ang rejection ng kalihim sa holiday truce sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF)
Giit ng Senador, hindi na dapat gawing relevant muli ang mga wala nang kwentang grupo.
Una nang sinabi ni Teodoro na sa ngayon ay kinokonsidera nang teroristang grupo ang CPP-NPA kaya hindi na dapat bigyan ng pagkakataon.
Matatandaang karaniwang nagdedeklara ng unilateral ceasefire ng pamahalaan at maging ang CPP-NPA-NDF bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng pasko. | ulat ni Nimfa Asuncion