Sen. Bato dela Rosa, umaasang inaayos ng Malacañang ang ilang kinuwestiyon sa 2025 Budget Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dininig ng Malacañang ang tinig ng taumbayan at inayos ang ilang kinuwestiyong item sa panukalang 2025 National Budget.

Ang pahayag na ito ng senador ay sa harap ng inaasahang pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng 2025 General Appropriations Act o ang magiging pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay Dela Rosa, ikatutuwa niya kung nakinig ang Malacañang sa naging sentimyento ng publiko.

Sa ngayon ay wala aniyang impormasyon ang mambabatas tungkol sa mga naging posibleng adjustment sa 2025 Budget Bill.

Giit ni Dela Rosa, hindi naman obligado ang Malacañang na mag-report sa mga mambabatas ng mga posibleng pagbabagong ginawa nila dahil bahagi ito ng “separation of powers” ng Ehekutibo at Lehislatura.

Kaya naman desisyon na aniya ng Malacañang kung pipirmahan ang isinumiteng bersyon ng Kongreso o kung magkakaroon ng line veto. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us