Kinondena ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang paglaganap at madaling access ng publiko sa mga malalaswa at pornographic content sa mga streaning platforms, partikular na sa Vivamax.
Sinabi ni Estrada na bagama’t kinikilala niya ang artistic freedom at creative expression, binigyang diin naman niyang dapat pa rin itong may hangganan.
Ang mas nakakabahala pa aniya sa sitwasyon ay madali lang ma-access ng mga kabataan ang ganitong mga content.
Ibinahagi ng senador na una nang sinita ng MTRCB ang vivamax dahil sa mga reklamo sa malalaswang palabas nito.
Nauwi aniya sa kasunduang magse-self-regulate ang vivamax pero hindi ito tinutupad ng streaming platform.
Ipinunto rin ni Estrada na sa ilalim ng article 201 ng revised penal code ay ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga malalaswa at mahahalay na materyal na maaaring makasira sa moralidad ng publiko.
Sino man aniyang lumabag dito ay pwedeng patawan ng multang hanggang anim na taong pagkakakulong, multang P20,000 hanggang P200,000 at kanselasyon ng permit o lisensya nito.
Idinagdag rin ng senador na nakatanggap rin siya ng mga reklamo na inaabuso ang ilang mga artista ng mga content na nilalabas sa naturang streaming platform. | ulat ni Nimfa Asuncion