Maraming dapat ipaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng paglabas ng Pilipinas ni Atty. Harry Roque nang hindi nalalaman ng mga awtoridad.
Pinaalala ng senadora na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ang BI kung paanong nakalabas rin ng Pilipinas noon si Guo Hua Ping o Alice Guo.
Umaasa si Hontiveros na matutukoy sa lalong madaling panahon ng BI at iba pang mga law enforcers ng bansa kung sino ang tumulong kay Roque na makatakas.
Ayon sa senador, hindi malabong mga sangkot rin sa POGO ang tumulong kay Roque na pumuslit papalabas ng Pilipinas bilang ang Dubai ay isa ring POGO hub.
Giit ng mambabatas, pinagbabawal na ang POGO sa Pilipinas kaya naman dapat ay wala nang anumang impluwensya ang mga taga-POGO sa ating mga institusyon, lalo na sa BI.| ulat ni Nimfa Asuncion