Mas pabor rin si Senadora Imee Marcos na magkaroon na lang ng reenacted budget ang bansa kaysa sa tinawag niyang ‘very bad budget’ na naipasa ng senado.
Pero ayon kay Marcos, hindi naman na kailangang paabutin pa sa pagkakaroon ng isang reenacted budget dahil pwede pa naman itong habulin sa Kongreso.
Aniya, may panahon pa ang Kongreso para ayusin ito lalo na kung hindi na muna magkakaroon ng Christmas break ang mga mambabatas at uunahin na munang trabahuhin ang budget bill.
Naniniwala rin ang senadora na kung ibabalik man ang budget sa bicam ay hindi naman ganoon katindi ang magiging delay.
Ang kailangan na lang naman aniyang balikan ay ang mga controversial items at hindi naman back to zero ang gagawin. | ulat ni Nimfa Asuncion