Sen. Jinggoy Estrada, naniniwalang malabong magkaroon ng special session para sa impeachment trial vs VP Sara Duterte 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Duda si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maaari silang magkaroon ng special session para bigyang daan ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte. 

Ipinunto ni Estrada na batay sa konstitusyon, ang Pangulo ng bansa ang nagpapatawag ng special session. 

Matatandaang una nang nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag na sanang ituloy ang impeachment laban kay VP Sara. 

Sinabi ng senador, na hindi na kakayanin ng schedule ng Senado ang pagsasagawa ng impeachment trial sakaling umakyat sa kanila ang kaso. 

Batay kasi sa aprubadong legislative calendar, sa December 18 mag aadjourn ang sesyon ng Kongreso para sa Christmas break, at sa Enero na ang kanilang balik. 

Sinabi rin ni Estrada, na sumusunod siya sa panawagan ni Senate President Chiz Escudero, na huwag nang magkomento tungkol sa mga akusasyon sa impeachment case laban sa bise presidente, dahil sila ang maglilitis sakaling maging impeachment court ang senado. 

Muli ring iginiit ng senador, na tutol siya sa impeachment dahil hindi ito makakabuti para sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us