Sen Loren Legarda, nanawagan sa PhilHealth na gamitin ang pondo para sa mas pinalawak na benepisyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senadora Loren Legarda ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na gamitin ang kanilang surplus funds para palawakin ang mga benepisyo at tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) law.

Sinabi ni Legrada na dapat gamitin ng PhilHealth ang P150 billion surplus nito para matiyak na ang bawat pilipino ay may access sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Sa naging pagdinig ng senado, iniulat ni PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. na may kabuuang assets na P628. 2 billion noong Oktubre 2024, kasama na dito ang P281 billion reserve at P150 billion surplus funds.

Kabilang sa mga minumungkahi ng senadora ang pagtukoy sa mga Konsulta provider center na may kagamitan para sa breast screening, ultrasound, at mammogram.

Dapat rin aniyang ipaalam ng PhilHealth sa publiko sa pamamagitan ng social media at iba pang paraan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us