Naniniwala si Senador Juan Miguel Zubiri na marami sa mga kapwa nila senador ang ayaw rin sa impeachment sa kahit sinong opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Zubiri, nagiging dahilan kasi ang impeachment para magkawatak-watak ang bansa.
Paglilinaw naman ng senador, hindi siya pabor sa impeachment hindi dahil sa may sinusuporatahan siyang personalidad…
Nananatili aniya siyang impartial at neutral lalo na’t kung saka-sakali ay isa siya sa mga tatayong hukom kapag umakyat sa Senado ang impeachment proceedings.
Samantala, hindi naman tiyak ni Zubiri kung kakayanin pa ng schedule ng senado ang impeachment lalo’t election year sa susunod na taon. | ulat ni Nimfa Asuncion