Binalaan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang publiko laban sa mga scam lalo na ngayong holiday season.
Binigyang diin ni Pimentel ang payo ng National Telecommunications Commission (NTC) na iwasan ang pag-click ng mga link sa mga kahina-hinalang mensaheng matatanggap.
Sa pamamagitan kasi aniya ng mga ito ay nakokompromiso ang personal na impormasyon at financial security ng mga nabibiktima.
Ipinaalala rin ni Pimentel ang panawagan ng NTC sa publiko na i-report ang anumang kahina-hinalang text messages at online scams sa kanilang website o sa pamamagitan ng pagtawag sa NTC hotline 1682.
Hinikayat ng senador ang lahat ng maging proactive sa pagprotekta sa kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya mula sa anumang panloloko.
Paalala ng mambabatas, ang pag-iingat ay susi para maiwasan ang mga scam. | ulat ni Nimfa Asuncion