Kumpiyansa si Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na ang nilagdaang 2025 National Budget ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi lang magtitiyak na maiiwasan ang maling paggamit ng kaban ng bayan, kundi magsisiguro ring mananatiling responsable, sustainable ay nakalinya sa fiscal priorities ang paggasta ng pamahalaan.
Ayon kay Poe, sinasalamin ng bagong budget ang nagkakaisang commitment tugno sa pagkakaroon ng sustainable development ng Pilipinas.
Pinunto ng senadora na ang conditional implementation ng AKAP program ay nagpapakita ng kolektibong responsibilidad na tiyaking walang misuse at duplication ng benepisyong mangyayari.
Sa pamamagitan aniya ng pagpulido ng guidelines nito ay masisigurong ang higit 4 million low income earners, kabilang ang minimum wage workers at mga nasa informal sector, ay patuloy na makakatanggap ng suportang kailangan nila.
Sinabi rin ng mambabatas na tama lang ang naging pag veto ng Pangulo ng ilang item sa unprogrammed appropriations.
Ang pag veto naman aniya sa ilang proyekto ng DPWH ay malinaw na pag exercise ng Pangulo ng awtoridad bilang chief architect ng imprastraktura ng bansa.
Binigyang-diin rin ni Poe na ang assurance mula sa economic team at PhilHealth board na ang surplus at reserve fund nito ay sapat ay nakalinya sa pananaw ng kongreso na dapat munang gamitin ng state health insurer ang kanilang standby funds.| ulat ni Nimfa Asuncion