Sinang-ayunan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang panawagan ni Senate President Chiz Escudero na hindi dapat magkomento sa publiko ang mga senador kaugnay ng inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Tolentino, bilang chairman ng Senate Committee on Rules, hindi dapat magkomento ang sinumang miyembro ng Senado dahil sakali aniyang makarating ang kaso sa Mataas na Kapulungan ay silang mga senador ang magsisilbing impeachment judge.
Giit ng senador, ethical lang at alinsunod sa rules ang hindi pagkokomento ng mga senador. Gaya aniya ito ng hindi pwedeng hingian ng komento ang mga regional trial court (RTC) judge kaugnay ng anumang kasong nakabinbin sa kanila. | ulat ni Nimfa Asuncion