Nakiisa si Senate Majority leader Francis Tolentino sa panawagan ng mga motorista na bawiin na ang inilabas nitong memorandum circular kaugnay ng paggamit ng improvised plate numbers ng mga motorsiklo na hanggang December 31, 2024 na lang.
Nakasaad kasi sa inilabas na memo ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang deadline ay huhulihin na ang mga motorcycle rider na gumagamit ng improvised o temporary plates pagkatapos ng itinakdang deadline.
Sa plano aniya ng LTO, nasa P5,000 ang ipapataw na multa sa mga mahuhuling motorcycle rider.
Pinunto ni Tolentino na una na silang humingi ng palugit noong Setyembre kaugnay nito kaya nagbigay ng ‘grace period’ hanggang katapusan ng taon.
Pero kahit aniya matapos ang palugit ay malaki pa rin ang backlog sa mga motorcycle plates kaya wala nang kasalanan dito ang mga rider.
ayon sa senador, tinatayang nasa 800,000 na mga motorcycle riders ang maaapektuhan nito sa buong bansa.
nanawagan rin si tolentino na gawan na ng LTO ng paraan para makapag produce ng mga plaka pagdating ng first quarter ng susunod na taon.| ulat ni Nimfa Asuncion