Suportado ni Senador JV Ejercito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang pagpopondo sa mga pangunahing proyekto na mahalaga para sa social at economic transformation ng Pilipinas.
Ayon kay Ejercito, sa bahagi ng Senado ay tiniyak nilang ang mga foreign-assisted priority projects gaya ng railway projects ay nabigyan nila ng alokasyon sa kanilang bersyon ng budget bill.
Kasama na rin aniya ang mga programmed funds para matiyak na tuloy-tuloy at walang magiging delay sa paggawa ng mga proyekto.
Welcome din aniya sa senado ang binigay na katiyakan ng NEDA na ang mga proyekto ay popondohan at hindi papatawan ng bagong mga buwis.
Tiniyak ni Ejercito na patuloy na makikipagtulungan ang mataas na kapulungan sa administrasyon para matapos ang mga priority projects sa itinakdang panahon. | ulat ni Nimfa Asuncion