Senador Koko Pimentel, hinimok ang DA na kasuhan ang mga kumpanyang blacklisted dahil sa smuggling at price manipulation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senate Minority Koko Pimentel ang Department of Agriculture (DA) na sampahan ng kasing kriminal ng mga kumpanyang sangkot sa illegal agricultural trade.

Ito ay kahit pa aniya blacklisted na ng DA ang sampung kumpanyang ito.

Ayon kay Pimentel, hindi sapat ang pagba-blacklisting lang at kailangang maparusahan ang mga nagkasala.

Kabilang saga blacklisted companies ang LVM Grains Enterprises, Kysse Lishh Consumer Goods Trading, JRA and Pearl Enterprises Inc., Betron Consumer Goods Trading, RCNN Non-Specialized Wholesale Trading, at Golden Rays Consumer Goods Trading.

Sa mga ito, napag alamang ang Kysse Lishh, RCNN, Chastity Consumer Goods Trading, at Golden Rays ay hindi mga lisensyadong importers.

Giit ng minority leader, dapat gawing halimbawa ang mga kumpanyang ito para huwag nang tularan.

Dapat aniya itong magsilbing mensahe na seryoso ang gobyerno sa pagprotekta sa mfa magsasaka at konsumer mula sa mga tiwaling trader.

Hinimok rin ni Pimentel ang DA na ipagpatulyo ang crackdown sa agricultural smuggling at iba pang ilegal na aktibidad. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us