Senadora Grace Poe, giniit na prayoridad ng kongreso ang education sector

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanindigan si Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe na nananatiling prayoridad ng kongreso ang sektor ng edukasyon.

Ito ay sa gitna ng mga panawagan, maging ni Education Secretary Sonny Angara, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang naging budget cut sa education sector sa ilalim ng inaprubahang 2025 National Budget Bill ng kongreso.

Matatandaang sa ilalim kasi ng 2025 General Appropriations Bill (GAB), nabawasan ng halos 12 billion pesos ang budget ng DepEd, kasama na dito ang 10 billion pesos para sa computerization program ng ahensya.

Base sa orihinal na proposal, 748.6 billion pesos ang panukalang pondo ng DepEd pero pagdating sa 2025 GAB ay naging 737 billion pesos na lang ito.

Paliwanag naman ni Poe, dumaan sa masusing proseso ang 2025 Budget Bill at inaprubahan ang mayorya ng mga mambabatas mula sa senado at kamara.

Hindi aniya madali ang maghanap ng resources para sa mga pangangailangan ng bansa.

Sinasalamin lang ng kung anong mayroon tayo ang maingat na desisyong ginawa nilang mga mambabatas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us